kaming 4 girls ay magbebestfriends, pero yung isang bestfriend namin eh excluded sa kadramahan namin. tapos si guy, he's a
total player, i mean, both in terms of sports and
in relationship.
ang unang naging girlfriend ni guy samin eh si girl1. but habang sila pa, guy courted me for the first time. but i dumped him, kasi ayoko makigulo sa kanila nun ni girl1, pero, may gusto na ako sa kanya nun, pero konti pa lang. then after several weeks, we found out na sila na din pala ni girl2. so habang nililigawan ako ni guy at sila pa ni girl1, nililigawan niya din pala si girl2. at, sinagot naman ni girl2. then, i felt something weird. i was hurt. kasi kahit papano, gusto ko na nun si guy and all i thought is that, totoo yung sinabi sakin ni guy while he's courting me. yun pala, hindi. nililigawan niya na pala nun si girl2.
so, as expexted,
nagbreak sila ni girl1 at siyempre, nagbreak din sila ni girl2. pero ang sabi ni guy,
si girl1 daw yung mahal niya and
di daw siya seryoso kay girl2.then i confronted him.
ako: ehem, balak mo pa pala akong isali sa listahan mo.
guy: ha? hindi ah.
ako: hindi daw. anong tawag mo dun? niligawan mo ako, kayo pa ni girl1, tapos sinagot ka na pala ni girl2. tsk.
guy: may gusto ako sayo NOON, hindi na NGAYON.
ouch! tagos!then after several days,
nagbalikan si girl1 tsaka si guy. tapos, nasira na yung grupo naming magbebestfriends.eh si girl1,
trinansfer ng mama niya sa baguio kasi nalaman yung about sa kanila. ewan ko ba, hindi ko alam kung pinagtanggol ni girl1.
nasa baguio na siya, eh nasa pangasinan kami. so medyo malayo.
nakasurvive pa naman yung relationship nila ng ilang months.ako naman,
lumayo layo ako kay guy kasi medyo... you know na. ayoko sana makigulo sa kanila, kaya
i tried to stop my feelings. kaya lumayo ako. eh, kaso... nung di ko na tinetext si guy,
he threatened me na magsusugat daw siya pag di daw ako nagtext, tapos name ko pa daw yung isusugat niya sa may wrist niya. di naman ako naniniwala, though alam ko na nagsusugat talaga siya.
tapos nagtext siya,
"nasa fs ko yung pangalan mo. tignan mo na lang."siyempre tinignan ko agad. i was shock.
nakaprimary pa!then biglang nagtext sakin si girl1.
girl1: break na kami.
ako: ha?? bakit?
girl1: matigas yung ulo niya eh. nagsugat na naman siya. nagpromise siya sakin na di na siya magsusugat.
ako: dahil lang dun?! bakit daw siya nagsugat?? *innocent mode*
girl1: dahil sayo.
ako: sakin?! *as if di ko alam*
girl1: di mo na daw kasi siya tinetext.
ako: ah?? hmm, ano daw sinugat niya?
girl1: ewan, basta nagsugat siya. uhm, pwede itext mo na siya?
so ayun, kahit alam ko na delikado pag nakipagcommunicate pa ako sa kanya, tinext ko pa din. si girl1 na yung nagsabi eh. kaya ayun, nagkaayos na naman sila.
ouch.then nung tinext ko si guy, dun na naman siya humirit.
nanligaw nanaman siya.ewan,
ayoko na maging kabit. wala pa akong nagiging bf kasi hindi ako playgirl. gusto ko, as much as possible, ang first ko, eh last ko na din.pero talagang ano eh... gusto ko talaga siya.
im dying to be his girlfriend.
pero take note.
hindi ko siya nilandi! ako pa nga yung lumayo eh, diba?? pero wala na eh. lumapit ulit siya.
ang hirap. nalilito ako. whether to choose him or my bestfriend.then i tried him. hindi sa gusto kong ibreak niya si girl1. sabi ko kasi,
"may girlfriend ka. tapos nanliligaw ka ng iba. ano yun? por que nasa malayong lugar gf mo, manliligaw ka na ng iba?"eh katatapos lang ng monthsary nila nun.
hindi naman niya brineak, pero nakipagcool off siya. sila pa rin nun diba? cool off lang.sabi ko,
"hindi pa din pwede. cool off lang kayo. pero hindi ko sinasabi na kapag nakipagbreak ka sakanya, magiging tayo."sabi niya,
"hayaan mo na. katatapos pa lang naman ng mansari namin."ouch. pinamukha na naman niya na sila pa din :(
tapos one day, nung kakauwian namin sa school ng hapon, pumunta muna ako sa mall with my friends. then
may nakita ako.
si guy, kasama si girl2. he's holding her hand and parang hinihimas himas pa niya.nung malapit na kami sa kanila, dun nila kami napansin.
nginitian ko si girl2, hindi naman yun fake smile, alam ko naman na wala siyang alam sa nangyayari eh. then di ko na tinignan si guy.tinignan ako ng friend ko na isa sa mga kasama ko. alam niya kasi yung mga nangyayari.
parang gusto ko umiyak. ansakit!eh before namin sila makita nun sa mall,
may nakabangga kami na girl, mayabang and parang naghahamon.sabi ko,
"tara, hanapin natin yung babae kanina. gusto ko sumapak.", tinignan nila akong dalawa, kasi tatlo kami. eh palaban din yung isa namin kasama. pero yung isang may alam sa lahat, hindi gaano lumalaban. kaya hindi na siya sumama samin. dalawa na lang kami na naghanap dun sa girl na bumangga samin.
di ko na sasabihin yung nangyari sa amin nung nahanap namin yung girl.
to be continued.... (masyado nang mahaba :P)